Happy birthday, antukin.
Hindi ko alam kung ilang beses mo na ako tinulugan, pero college palang issue na pagiging antukin mo. Ingat-ingat na lang sa pagtulog mo sa bus jeep at mrt. Maawa ka naman sa katapat mo. Bukas pa naman mata mo pag tulog.
Happy birthday, yabang.
Para sa pinakamatalinong taong nakilala ko, marami akong pangarap para sa’yo pero syempre, mas mahalaga pa rin kung ano gusto mo. Piliin mo mang lumayo o dito lang sa malapit o anumang gusto mong gawin sa buhay mo, susuportahan kita ng 100%! At kahit na gawain mo pa ring gumamit ng jargons pag magkausap tayo, ipagpapatuloy ko ang pagpapanggap na naiintindihan ko. Poker face on.
Happy birthday, timang.
Salamat kasi wala kang tinatago sakin, lalo na katimangan mo. Kahit na ayon sa’yo eh tahimik kang tao, salamat kasi wala kang reservations pag magkasama tayo. Hinding-hindi ko makakalimutan mga paggiling mo. At salamat sa kacornihan at kakesohan mo sa tuwing malungkot at galit ako sa mundo. Bale salamat sa pagpapasaya sa akin 24/7.
Happy birthday, workaholic.
Kahit na lagi akong nagrereklamo na ang layo masyado ng trabaho mo at wala ka nang time para sa akin, ang totoo nan wala talaga akong hinanakit sa’yo. Inarte lang. Proud ako sa lahat ng na-achieve mo sa trabaho at masaya ako na masaya ka sa trabaho mo. At kahit naman malayo ka at palaging may pasok, never ka naman talaga nawalan ng oras para sakin. Kaya mahal kita eh.♥
Happy birthday pinakamahal ko.
Isa ka sa maraming dahilan kung bakit araw-araw kong nararamdaman na blessed ako. Ang gusto ko lang, sana maging blessing din ako para sa’yo.
Sana talaga masaya ka palagi kasi a person like you deserves to be happy. I love you so so much, birthday boy.♥
Yihee! 🙂
Issue ka teh! <3
Walang issue. Ikaw lang nagawa nyan. Hahaha.